MISTERYOSONG BAG SA HARAP NG TUBA GYM, ALAMIN ANG LAMAN!

Benguet, Philippines – Isang misteryosong clutch bag ang nakitang naiwan kahapon nang umaga ng dalawang Bureau of Fire Protection (BFP) personnel na sina Senior Fire Officer 1 (SFO1) Ian Sungduan at SFO2 Markus Francis Kili na noon ay aalamin lamang ang kanilang swab test result sa rural health unit hanggang mapansin nila ang misteryosong bag sa Tuba Gym, malapit lamang sa kanilang ahensya.

Naglalaman ang nasabing misteryosong bag ng nasa higit na P284,400 at dalawang ginto o Balitok na agad naman diniretso ng mga dalawang opisyal ng BFP sa kanilang hepe at idiniretso na din kaagad ito sa kapulisan para sa karagdagang imbestigasyon.

Ang nasabing bag ay naisauli naman kaagad ng mga otoridad at ito ay pagmamay-ari ng isang minero na naka-quarantine sa tuba gym habang naghihintay ng kanyang swab test na kinilalang si Adornado Kilakil, 42 anyos na taga NHA-Upper Tadiangan Tuba Benguet.


Facebook Comments