Manila, Philippines – Nilinaw ni Bella Padilla ang kanyang tweet kung saan sinabi niya na-offend siya sa paraan ng pagtatanong ng isang miyembro ng entertainment press.
Ayon kay Bella, may isa daw na na-offend siya pero, hindi naman daw niya nilalahat.
Nabatid na sa presscon ng launching ng isang film festival, puro personal daw ang tanong kay Bella ng isang entertainment tabloid kung saan nag-beg-off na syang sumagot pero hindi pa rin daw siya tinigilan.
Giit ni Bella, bilang respeto sa mga kasamang artista at sa nagbayad ng venue ay dapat tungkol lang sa topic ng presscon ang pinag-uusapan.
Say pa ng actress, aware daw siya na bahagi ng showbiz na matanong nang personal pero hindi naman daw niya kailangan sumagot.
Facebook Comments