NA-OFFEND | Jennifer Lawrence, pumalag sa mga bumabatikos sa kaniyang suot noong pumasyal siya sa London

London – Pumalag ngayon ang Hollywood actress na si Jennifer Lawrence sa mga bumabatikos sa kaniyang suot noong pumasyal siya sa London.

Ito ay matapos ilabas ang picture nito na nakasuot ng sexy dress habang ang mga kasamahan niya ay tila balot na balot dahil malamig ang panahon.

Say ng actress, isang uri ng anti-feminism ang nasabing pagbatikos kung saan depensa pa niya na mamahalin ang kaniyang suot at hindi na kailangan itong takpan pa kahit sobrang lamig ng panahon.


Dagdag pa ni Jennifer, huwag na daw sana pakialaman ang kaniyang suot dahil pinili niya ito at kung sakaling siya ay magkasakit, wala naman daw problema dahil desisyon niyang magsuot nito.

Facebook Comments