NA-TRAP | Lalaki, sawi matapos ma-trap sa nasusunog na bakeshop sa Cagayan de Oro

Cagayan de Oro City – Patay na ng marekober ang isang empleyado matapos na masunog ang isang bakeshop sa Purok 5, Barangay Puerto, Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktima na si Edwin Tael, na kasalukuyang nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Puerto Station, nagsimula ang apoy sa pinapasukan nitong bakeshop na pagmamay-ari ng isang dating barangay opisyal sa lugar.


Agad kumalat ang apoy kung saan nadamay ang nasa higit-kumulang 50 na kabahayan.

Una nang tumulong si Tael na maapula ang apoy subalit pagpasok muli nito sa bakeshop para kumuha ng tubig ay hindi na ito nakalabas dahil na-trap.

Aabot naman sa P200,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian kung saan kasalukyan nasa court ng barangay nananatili ang ibang nadamay sa sunog.

Facebook Comments