India – Isang Indian groom ang literal na ‘inindian’ (hindi sinipot) sa mismong araw ng kasal nila ng kanyang bride-to-be matapos na madiskubreng nakakalbo na siya!
Kwento ni Dr. Ravu Kumar, hindi pa talaga sila nagkikita ng bride simula nang i-arrange ng mga magulang niya ang kasal isang taon na ang nakalilipas.
At sa mismong araw ng kasal, bumiyahe siya mula New Delhi papuntang Bihar pero ang masaklap, biglang umurong sa kasal ang bride.
Habang inaayos kasi ang lahat para sa seremonya, biglang nag-alis ng traditional headgear si Kumar at na-turn off ang bride nang makitang nauubos na pala ang kanyang buhok!
Pero dahil nangako siya sa kanyang pamilya na uuwi siyang may asawa, on-the-spot silang naghagilap ng babae sa lugar na pwedeng ikasal sa kanya.
Natapos din naman ang araw na na-achieve ni Kumar ang goal niyang maging married man matapos na ikasal sa anak ng mag-asawang vegetable seller.