Naaagnas na Bangkay ng isang Babae, Natagpuan

37

Cauayan City, Isabela-Nasa ‘state of decomposition’ na ng matagpuan ang bangkay ng isang babae sa bulubunduking bahagi ng Barangay Casagan, Sta. Ana, Cagayan.

Dakong alas-11:00 kaninang umaga ng mapansin ng mga residente ang naaagnas ng katawan ng biktima na nakasuot ng maong pants at kulay pink na t-shirt na may nakaimprentang “we make change work for women”.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Sta. Ana Police Station, pasado 2:30 ng hapon ng maireport ni kapitan Jeorge Peneyra ang nadiskubreng bangkay.

Dahil dito, nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na kung sinuman ang may nawawalang kaanak ay mangyaring makipag-ugnayan sa kanila para matukoy ang pagkakakilanlan ng bangkay.

Sa ngayon ay dinala na ang bangkay sa Rural Health Unit para sa gagawing post mortem examination.

Facebook Comments