Naaagnas na Bangkay ng Lalaki, Natagpuan sa Loob ng Bahay!

331

Cauayan City, Isabela- Nasa ‘stage of decomposition’ na nang matagpuan sa loob ng kwarto ang bangkay ng isang lalaki sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rudy Guinucud, 59 anyos, single, walang trabaho at residente rin ng nasabing lugar.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), dakong 8:45 ng ika-16 ng Nobyembre ng taong kasalukuyan ay nadiskubre ng kapitbahay ang wala nang buhay ang biktima na pinaniniwalaang tatlong araw nang namatay.

Lumabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na walang nakitang anumang sugat o pinsala sa katawan ng biktima.

Gayunman ay inaalam pa rin ng otoridad ang sanhi ng pagkamatay ng naturang biktima.

Facebook Comments

From Advertisers