Naaantalang pag-apruba ng FDA sa Ivermectin laban sa COVID-19, planong paimbestigahan ni Senate President Vicente Sotto III

Kinastigo ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang hindi pa rin pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Ivermectin bilang potensyal na gamot sa COVID-19.

Hindi tuloy maiwasan ni SP Sotto na magduda na kaya iniipit ng FDA ang Ivermectin ay para paboran ang ilang malalaking pharmaceutical companies na may ino-offer din na mamahaling gamot sa COVID-19 kumpara sa Ivermectin na 35 pesos lang kada capsule o tableta.

Punto ni SP Sotto, malinaw ang karanasan ng mga gumagamit ng Ivermectin at clinical trials sa ibang bansa na nakakagamot ito ng mga tinamaan ng COVID-19 at pwede ring prevention.


Dahil dito ay plano ni SP Sotto na magsagawa ng privilege speech para isulong na mabusisi ng Senado ang pagsantabi ng FDA sa Ivermectin na makakasalba sana ng buhay ng mga tinatamaan ng virus at baka mainam din na protection tulad ng bakuna.

Si SP Sotto ay aminado na umiinom ng Ivermectin at marami raw siyang mga kakilala na umiinom din nito na katulad niya ay wala namang nararamdaman na adverse effects.

Apela ni SP Sotto sa gobyerno, hayaan ang mga gustong uminom ng abot-kayang Ivermectin panlaban o panggamot sa COVID-19.

Facebook Comments