NAABO | 10 bahay sa Baguio City, nasunog

Baguio City – Sampung bahay ang naabo sa sunog sa Baguio City kabilang ang tahanan kung saan pinaglalamayan ang isang patay.

Kwento ng nasunugang si Faye Carreon, bigla silang nakaamoy na parang may nasusunog na plastic hanggang sa makita nilang nasusunog na ang kalapit nilang bahay.

Agad naman niyang kinatok ang pintuan ng kanilang mga kapitbahay hanggang sa hindi na nailabas ang kabaong ng kanyang asawa.


Aniya, Huwebes pa sana balak ilibing ang kanyang asawa pero hinintay muna nilang makauwi ang anak na nasa saudi.

Wala namang nasaktan sa sunog pero labindalawang pamilya ang nawalan ng tirahan.

Inaalam pa ang sanhi ng insidente.

Facebook Comments