NAABO | 100 bahay, natupok sa sunog sa Cebu

Cebu – Naabo sa sunog ang nasa isandaang bahay sa Barangay Sawang Calero sa Cebu.

Alas 11:28 kagabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Mario Fernandez.

Aabot sa 700 indibdwal ang nawalan ng tirahan habang nadamay din ang gusali ng missionaries of the poor.


Maswerte namang nailigtas ang 42 mga bata na nakatira sa establisyimento.

Mag-a-ala una na kaninang madaling araw nang makontrol ang sunog.

Facebook Comments