NAABO | 50 bahay, nasunog sa Iloilo City

Iloilo City – Nasunog ang nasa 50 bahay sa Barangay Calaparan, Arevalo, Iloilo City.

Sumiklab ang sunog kahapon ng tanghali at mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Nagmula ang apoy sa bahay ng nagngangalang nida recontesta kung saan nagpiprito umano ng isda ang mga tao sa loob ng bahay gamit ang uling, na siyang pinagmulan ng sunog.


Makalipas ang halois isang oras ay naapula dina ng apoy at hindi pa matantiya ang kabuuang pinsala ng sunog.

Pansamantala namang nakikituloy sa barangay hall at gym ang mga naapektuhan ng sunog.

Facebook Comments