Quezon City – Naabo ng sunog ang ilang bahay sa isang residential area sa Barangay San Antonio, Quezon City.
Mag-a-alas 12:00 kaninang tanghali nang magsimula ang apoy sa isang bahay sa Fernandez Street.
Makalipas lang ang ilang minuto, iniakyat na sa second alarm ang sunog.
Mabilis namang nakaresponde ang mga bumbero kaya naapula rin agad ang apoy bago mag-ala 1:00 kaninang hapon.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang kabuuang danyos nito.
Facebook Comments