NAAGNAS NA BANGKAY NG LALAKI, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA ILOG

Cauayan City – Naaagnas at halos hindi na makilala pa ng matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Amulung, Cagayan kahapon, ika-13 ng Nobyembre.

Ayon sa Station Manager ng Task-Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team ng Amulung na si Cecile Domingo, isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon kaugnay sa palutang-lutang na bangkay ng lalaki sa ilog na nakasuot ng puting t-shirt, at kulay asul na brief na may pulang lining.

Natukoy rin ang pagkakakilanlan ng biktima na kinilalang si Jonyfer Calueng, 37-anyos, residente ng Brgy. San Vincente, Uguig, Cagayan kung saan napaulat itong nawawala noong kasagsagan ng bagyong Kristine nang tumalon ito sa ilog habang nangunguha ng mga inanod na kahoy.


Mismong ang pamilya ng biktima ang nagkumpirma na ito nga ang kanilang kaanak sa pamamagitan ng suot-suot nitong damit.

Facebook Comments