Naagnas na bangkay ng miyembro ng NPA, natagpuan sa Surigao Del Sur

Surigao Del Sur – Inilibing na ang bangkay ng isang squad leader ng Guerilla Front 21A ng New Peoples’ Army (NPA), matapos itong makita na nasa under state of decomposition ng mga kasapi ng 6th Special Forces (SF) Company ng Special Forces Regiment Airborne, Special Operations Command, Philippine Army sa bundok ng Sitio Lago, Brgy. Caromata bayan ng San Miguel, Surigao del Sur.

Ayon kay Col. Franco Nemesio Gacal, commander ng 402nd Brigade Philippine Army, positibong kinilala ng kanyang pamilya ang bangkay na si Aljun Agustin alyas Ka Ian, 23 taong gulang na tubong Agusan del Sur.

Sinasabing napatay si Ka Ian sa engkwentro sa pagitan ng AFP at NPA noong nakaraang linggo at iniwan ng kanyang mga kasamahan ang bangkay nito sa lugar.
DZXL558


Facebook Comments