Naaksayang Sinovac vaccines, kakaunti lamang – Galvez

Hindi na magagamit ang ilang vials ng COVID-19 vaccines na mula sa Sinovac-Biotech ng China.

Sabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ilan sa vaccine package ay nasira o kaya naman ay wala nang laman.

Pero tiniyak ni Galvez na kakaunti lamang ang mga nasayang na COVID-19 vaccines.


Sa AstraZeneca vaccines, sinabi ni Galvez na wala pa siyang natatanggap na ulat hinggil sa vaccine wastage.

Ang pamahalaan ay nakapamahagi na ng 1.01 million vials o 96-percent ng kabuuang 1.12 million ng anti-COVID vaccines sa buong bansa.

Nasa 216,794 individuals na ang nabakunahan laban sa sakit.

Tinatayang nasa 2.3 million doses ng bakuna ang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.

Facebook Comments