Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ‘airworthy’ ang eroplanong nasunog sa naia kagabi na nag-iwan ng walong patay.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director General for Operations, Captain Donald Mendoza, lumabas sa mga nauna nilang record na ligtas na gamitin para sa biyahe sa himpapawid ang lion air west wind aircraft 24.
Bukod dito, lisensyado rin ang mga piloto.
Sinabi ni Mendoza na lumalabas sa mga inisyal na ulat na nagkaroon ng technical problem ang eroplano.
Bago ang aksidente sa NAIA, nakapagdala pa ng medical supplies sa Iloilo ang eroplano.
Sinabi naman ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio na posibleng abutin ng anim na buwan hanggang isang taon ang imbestgasyon depende sa pagdecode sa flight data recorder.
Sa ngayon, ipapatawag ng CAAP ang lion air na siyang operator ng nasabing eroplano.