NAALARMA | CHR, iniimbestigahan na ang pregnancy test memo ng Pine City Colleges Baguio

Iniimbestigahan na ng Cordillera Office ng Commission on Human Rights (CHR) ang viral memorandum ng Pine City Colleges Baguio City hinggil sa mandatory pregnancy test sa mga estudyante.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia – naaalarma sila sa mga kumakalat na dokumento sa internet.

Aniya, maaring maging paglabag ito sa magna carta for women at ang right to privacy and bodily autonomy ng mga kababaihan.


Iginiit din ng CHR hindi dapat ipinagkakait sa mga kababaihan ang mga karapatan nito kahit buntis pa ito.

Facebook Comments