Manila, Philippines – Kasado na sa Pebrero a-siyete ang isasagawang kilos protesta ng grupong Gabriela laban sa kapabayaan sa Dengvaxia.
Ayon kay Cora Agovino,tagapagsalita ng Gabriela Dengvaxia watch, naalarma sila sa pagdami ng mga batang namamatay matapos maturukan ng nasabing vaccine.
Aniya, nakakatanggap sila ng 15 mga reklamo kada araw ukol sa aksyon ng gobyerno.
Umapela naman ang grupo sa mga magulang ng mga Dengvaxia recipient na lumahok sa kanilang protesta at makipag-dayalogo sa Department of Health (DOH).
Batay sa tala ng Public Attorney’s Office (PAO), nasa 26 na bata na ang namatay dahil sa dengue at multiple organ failure matapos maturukan ng Dengvaxia.
Facebook Comments