NAALARMA | Pahayag ni PRRD na “Ok Lang Ang Prostitusyon” – ikinaalarma ng grupo ng mga kababaihan

Manila, Philippines – Naalarma ang grupong Gabriela sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “okay lang ang prostitusyon.”

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Gabriela Partylist Rep. Emmie de Jesus, iginiit niya na ang prostitusyon ay malinaw na paglabag sa karapatan ng mga kababaihan.

Ayon kay de Jesus, tila pinapahintulan pa ng Pangulo ang ganitong gawain kung saan kababaihan na naman ang naaabuso.


Matatandaan na sinabi ng Pangulo na noong Alkalde pa siya, walang hinuhuling prostitute sa Davao City sa kaniyang pagdalo sa oath-taking ng mga bagong na halal na barangay chairman sa Region 10 sa Cagayan De Oro City, kamakailan.

Ayon sa Pangulo, okay lang ito basta dapat lamang tiyakin ng mga babae na sumailalim sa regular health check-up at kailangan lang din gumamit ng condom para walang problema – bagay naman na umani ng samut-saring batikos.

Sina Gabriela Partylist Rep. Emmie de Jesus sa interview ng RMN DZXL Manila at Pangulong Duterte.

Facebook Comments