NAALARMA | Stock market ng Estados Unidos, lalo pang bumulusok

Amerika – Naaalarma na ang ilang investors sa Amerika dahil sa lalo pang pagbulusok ng stock market nito.

Sa pagsasara ng stock market kanina sa Wall Street sa New York, sumadsad sa halos 1,600 points ang kanilang Dow Jones.

Ito na umano ang “biggest point decline” sa kasaysayan ng stock market na nangyari lang sa isang trading day.


Bagama’t noong nakaraang linggo pa nararanasan ang pagbagsak ng stock market para sa White House, malakas naman daw ang economic fundamentals ng Amerika.

Kung maaalala, laging ipinagyayabang ni US President Donald Trump ang record breaking na pag-angat ng stock market mula nang siya ay maupo sa White House.

Facebook Comments