Manila, Philippines – Aabot sa 86 na pilgrims na patungo sana ng Mecca at Medinah sa Saudi Arabia para sa taunang Hajj ang apektado ng umanoy systems glitch ng e-portal na gamit ng Bureau of Pilgrimage and Endowment ng Kingdom of Saudi Arabia.
Sa isang press conference sa tanggapan ng National Commission on Muslim Filipinos sa Quezon City, sinabi ni Secretary Saidamen Pangarungan na nagka-aberya ang online booking sa Visa ng mga pilgrims na paalis sana noong lunes July 23.
Ngayon pa lang ay nililinaw na ni Sec. Pangarungan na walang kinalaman ang usapin sa seguridad at deskriminasyon sa nangyaring problema sa biyahe ng mga kapatid nating muslim na galing ng Basilan at iba pang lalawigan sa Mindanao.
Pero ayon kay Secretary Pangarungan, nasolusyunan na ang sigalot matapos na personal itong makipag-ugnayan kay saudi arabian ambassador to the philippines abdullah bin nasser al bussairy.
Sa ngayon ani pangarungan nasa pangangalaga ng NCMF ang mga pilgrims na pansamantalang nanunuluyan sa ibat-ibang mga hotel sa lungsod ng maynila bago ang last flight para sa kanila sa darating na a-sais ng Agosto.
Batay sa record ng NCMF, noong nakalipas na taon umabot sa mahigit pitong libong muslim filipino pilgims ang nagtungo sa mecca para sa hajj na ginaganap tuwing buwan ng agosto.
Ang Hajj ay isang taunang religious activity ng mga muslim bilang ritwal na pagsunod sa aral ng kuran na dinarayo ng milyung-milyong muslim sa ibat-ibang panig ng mundo.