Labing limang oras na naantala ang mga flights sa gatwick airport sa London.
Natigil ang mga byahe sa Gatwick dahil namataan ang dalawang drones na lumilipad malapit sa airfield ng airport na nagresulta ng pinakamalaking abala sa operasyon ng paliparan simula noong 2010.
Humaba ang pila ng libu-libong mga pasahero, kung saan nakaupo na sa lapag ang mga ito sa paliparan dahil sa insidente.
Sinabi ng pulisya na pinaghahanap na nila ang mga nago-operate ng drones.
Para naman sa Sussex Regional Police, walang indikasyon na isa itong terror-related incident.
Facebook Comments