NAANTALA | Planong dagdag-ayuda sa ilalim ng fuel voucher cards, hindi tuloy

Manila, Philippines – Hindi na dadagdagan ang halaga ng mga Pantawid Pasada Card.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, mula P5,000, gagawin sanang P20,000 ang ayudang natatanggap ng mga jeepney driver sa ilalim ng programang pantawid pasada.

Pero hindi na naiya ito matutuloy dahil sa suspensiyon ng dagdag sa buwis sa langis sa susunod na taon.


Sa kabila nito, wala mang dagdag sa ayuda asahan naman ang pagdating ng mas murang diesel matapos aprubahan ng Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) board ang pag-angkat mula Singapore.

Pero sabi ni PNOC-EC President Pedro Aquino Jr, naghahanap pa sila ng mas mababang alok para maibenta ang diesel nang mas mababa ng P5 sa kasalukuyang pump price.

Sa ngayon, naglalaro sa P47 hanggang P50 ang kada litro ng diesel, na kung mababawasan ng P5 ay magiging P42 hanggang P45.

Facebook Comments