Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon ng long-term solution sa naging pagbaha sa Bicol Region.
Isa sa mga nakitang solusyon ng pangulo ang Bicol River Basin Development Project noong 1973 na hindi natapos nang magpalit ng administrasyon noong 1986.
Kaya naman nais niyang muling silipin ang proyektong ito at may ginagawa na aniyang pag-aaral ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dito.
Ayon naman kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, natapos na ang pag-aaral kasama na ang feasibility study ng proyekto para sa flood control program.
Kung kaya’t sa susunod na taon ay gagawin na ang detalyadong engineering design nito.
Nangako din ang Eximbank ng South Korea na tutulong sa pagpopondo para sa nabanggit na proyekto.
Facebook Comments