Pinasasalba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang naantalang halos P800 million na proyekto ng Aurora Pacific Economic and Freeport Zone o APECO.
Ayon sa pangulo, nanghihinayang siya sa 80% na sanang natapos na proyekto subalit natigil dahil sa mga problema sa kontrata na dapat sana’y napakikinabangan na ngayon ng mga taga-Aurora.
Kaugnay nito ay hinahanapan na aniya ng solusyon ng gobyerno ang naantalang proyekto.
Ipari-rebid na lamang ang mga kontrata para matapos ito sa lalong madaling panahon.
Layunin ng APECO na makahikayat ng pamumuhunan sa agro-industrial, energy at defense sectors.
Hindi naman papayagang makapasok pa sa ecozone ang POGO at iba pang gambling operations.
Facebook Comments