Cauayan City, Isabela- Nakatakdang ituloy ng Philippine Statistics Authority ang naantalang pagsasagawa ng census population sa buong Probinsya ng Isabela sa kabila ng nararanasang krisis dahil sa pandemya.
Ayon kay Ginoong Julius Emperador, PSA-Isabela Chief Statistical Specialist, aniya sisimulan na sa darating sa Setyembre ngayong taon ang pagkalap ng kabuuang bilang ng populasyon sa probinsya na sana’y nasimulan nitong nagdaang buwan ng Mayo.
Panawagan naman ni Ginoong Emperador sa mga nagnanais na maging bahagi ng ahensya na makipag-ugnayan lamang sa mga tanggapan ng Local Civil Registrar sa siyudad o bayan para sa kinakailangang aplikasyon
Nakatakda namang magtungo ang ahensya sa iba’t ibang bayan sa Isabela para magsagawa ng qualifying examination para sa mga aplikante.
Dagdag ni Emperador, kinakailangan ang kabuuang 1,909 na bilang ng mga Enumerator; 381 para sa mga magiging Team Supervisor; 77 Census Area Supervisor.
Ilan sa mga kwalipikasyon na kailangan ng ahensya ang nakatapos ng kolehiyo (fresh graduates), senior high school graduate at iba pa subalit ito ‘contract of service’ lamang
Tiniyak naman ng PSA Isabela ang kaligtasan ng mga matatanggap sa trabaho.