NAANTALANG RENOVATION SA MALIMGAS PUBLIC MARKET SA DAGUPAN CITY, ISASAAYOS NA

Sisikapin umano na isaayos ng lokal na gobyerno ang ilang renovation na hindi umano natapos sa bahagi ng Malimgas Public Market sa Dagupan City.

Ilan sa nakitang dapat isaayos sa isinagawang inspeksyon ni Mayor Belen Fernandez kasama ang City Engineering Office ay ang labas na bahagi ng palengke kung saan hindi natapos ang konstruksyon.

Ininspeksyon rin ang sitwasyon ng loob ng palengke, mula sa mga karinderya hanggang sa pwesto ng mga nagtitinda ng isda at karne.

Tinignan rin ang mga dinadaanan ng mga konsyumer upang magkaroon ng mas malawak na daanan ang mga ito habang namimili sa loob ng palengke.

Matapos ang inspeksyon, umaasa ang alkalde na mabibigyan ng pondo para sa paglalatag ng mga planong ayusin sa loob at labas ng palengke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments