Umaabot na sa 40,347 indibidwal nationwide ang naaresto at nasampahan ng kaso dahil sa ilang beses na paglabag sa curfew at Enhanced Community Quarantine (ECQ) protocols.
Ito ang iniulat ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar.
Aniya, kahapon nakapagtala ang JTF COVID-19 Shield ng 39, 632 mga arrested curfew at ECQ violators pero ngayong araw nadagdagan ito ng 715 arrested violators kaya umabot na sa mahigit 40,000.
Simple lang ang pakiusap ni Eleazar sa publiko, sumunod sa mga ipinatutupad na patakaran sa bawat lungsod at sumunod sa mga quarantine protocols para hindi mapasama sa bilang ng mga naaresto at nasampahan ng kaso.
Giit ng opisyal, ang ginagawa nilang ito ay upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.
Facebook Comments