NAARESTO | Isa sa mataas na opisyal ng NPA, nadakip ng militar sa South Cotabato

South Cotabato – Naaresto ng pinagsanib puwersa ng Militar at Pulisya ang isang mataas na opisyal ng NPA o New People’s Army sa kanilang isinagawang operasyon sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Kinilala ng Eastern Mindanao Command Spokesperson Lt. Col. Ezra Balagtey ang naaresto na si Ofelia Frontreras Buanhog alias Decay/Wada na tumatayong Front Secretary ng Guerilla Committee ng Far South Mindanao Region ng NPA.

Nahuli ito alas-9 kagabi sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Surallah Regional Trial Court branch 26 dahil sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Rebelyon at Frustrated Murder.


Sinabi ni Balagtey, matagal nang nag-ooperate sa South Cotabato ang grupong pinamumunuan ni Buanhog na siyang nasa likod ng hindi mabilang na pag-atake at mga kaso ng pangingikil sa lugar.

Hindi na lumaban pa si Buanhog sa mga awtoridad at wala ring nakuhang anumang armas o dokumento mula rito.

Facebook Comments