Sa pangunguna ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos Jr., ipinrisenta sa harap ng media ang Canadian national na itinuturong may kaugnayan sa 1.4 toneladang shabu na nasabat ng Pulisya sa Alitagtag sa Batangas noong Abril.
Naaresto ang naturang suspek ng NCRPO, PRO4A at Bureau of Immigration si Thomas Gordan alyas James Martin sa Brgy. Maitim 2, Tagaytay City noong isang linggo.
Haharap sa patong-patong na kaso si Martin kabilang na ang paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o possession of dangerous drugs at iba pa.
Kaakibat nito ay pinapurihan naman ni Abalos ang mga pulis na nasa likod ng matagumpay na operasyon.
Tiniyak ng kalihim na paiigtingin pa ng Pulisya ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.