Naarestong curfew at ECQ violators halos 140,000 na ayon sa JTF COVID shield

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naarestong lumalabag sa curfew at Enhanced Community Quarantine (ECQ) protocols.

Batay sa huling ulat ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt General Guillermo Eleazar 139, 831 na ang bilang ng mga violators.

Ito ay mula March 17 hanggang April 21, 2020.


Pinakamarami sa mga violators ay sa Luzon na umaabot sa mahigit 86,000 indibidwal, mahigit 27,000 naman ay sa Mindanao at sa Visayas ay mayroong mahigit 26,000 violators.

Mahigit 101,000 sa mga nahuli ay pinauwi rin matapos pagsabihan.

Mahigit 6,000 ay pinagmulta, habang nakakulong naman ang 7,251 for regular filing of case at halos 2000 ay nakakulong rin matapos isailalim sa electronic inquest.

Babala pa rin ni Eleazar sa publiko na kapag nakulong ngayong umiiral ang ECQ ay hindi sila makakapag pyansa dahil sarado ang mga korte at makukulong hanggang matapos ang ECQ.

Facebook Comments