Isinailalaim sa inquest proceedings sa DOJ ang isang dating paring Katoliko at isang National Democratic Front (NDF) consultant na naaresto ng PNP sa Imus, Cavite.
Iniharap sina Arturo Joseph Balagat, retiradong pari at Renante Gamara, NDF consultant kay DOJ Assistant State Prosecutor Florencio Dela Cruz kaugnay ng reklamong illegal possession of firearms, ammunition at explosives.
Agad ding idineklara ng piskal na submitted for resolution ang kaso laban sa dalawa matapos piliin ng mga ito na huwag nang sumailalim sa preliminary investigation.
Si Gamara ay una nang inaresto noong 2012 sa Las Piñas City dahil sa kasong kidnapping with murder at frustrated murder kaugnay ng pagkamatay ng isang sundalo.
Facebook Comments