
Inaantabayanan na ngayong umaga ang paglipat kay Engr. Denis Abagon ng DPWH-MIMAROPA mula National Bureau of Investigation patungong Sandiganbayan.
Si Engineer Dennis Abagon ay naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos itong isyuhan ng warrant of arrest kaugnay flood control anomaly.
Batay sa report ng NBI, nasakote ang opisyal sa loob ng isang bahay sa Quezon City imbes na sa tirahan nito sa Cavite.
Dito na rin nagsagawa ng pag-imbentaryo ang mga awtoridad sa lahat ng gamit ng opisyal kabilang ang umano’y burner phone na nakumpiska ng mga operatiba.
Si Abagon ay nahaharap sa mga kasong Malversation of Public Funds thru Falsification at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa umano’y substandard na P289-M road–dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Kabilang si Abagon sa 17 indibidwal na inisyuhan ng warrant of arrest ng Sandiganbayan dahil sa pagkakadawit sa umano’y anomalya sa flood control project.
Inaasahang dadalhin si Abagon sa korte para sa mga susunod na proseso kaugnay ng kanyang kaso.









