Naarestong Jordanian na bayaw ni Osama Bin Laden, ipapa-deport na

Matapos maaresto ng militar sa Mindanao, ipapa-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang Jordanian na bayaw at kanang kamay ni Osama Bin Laden ng Al Qaeda Network.

Ang 51-anyos na si Mahmoud Afif Abdeljalil ay ipapa-deport ng BI dahil sa ilegal na pagpasok nito sa bansa.

Ayon sa BI, unang naaresto sa bansa at na-deport si Abdeljalil noong 2003 subalit muli itong nakakapasok sa Pilipinas gamit ang iba’t ibang pangalan at dahil sa pag-falsify ng public documents.


Ang naturang Jordanian ay kasamahan sa terrorist activities sa Mindanao ng naarestong Algerian na naipa-deport din noon ng Bureau of Immigration (BI).

Lumalabas din sa interogasyon na si Abdeljalil ang nagpa-facilitate ng pondo ng Al Qaeda para sa operasyon ng Abu Sayyaf at charity organizations sa Mindanao.

Ang Jordanian din ang point man ni Saudi businessman Mohammed Jamal Khalifa na bayaw din ni Bin Laden.

Facebook Comments