Naarestong lumabag sa uniform curfew sa Metro Manila, mahigit 12,000 na ayon sa PNP

Umaabot na sa 12,589 ang mga nahuhuling lumabag sa uniform curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga sa Metro Manila simula noong Lunes ng gabi hanggang ngayong umaga.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge PLt. Gen. Guillermo Eleazar, 3,646 sa mga nahuli ay pinalaya rin para sa regular na pagsasampa ng kaso at lima ang tuluyang na-inquest at ikinulong.

4,638 naman sa mga violators ang pinagmulta; 3,766 ang binigyan lang ng babala; at 534 ang pinatawan ng community Service.


Ngayong araw, nangunguna na naman ang Manila Police District (MPD) sa bilang na maraming mga nahuli na nasa 986 mula sa naitalang 3,026 curfew violators sa magdamag.

Ayon kay Eleazar, hindi naman pinagpapaliwanag ang mga nahuhuling violator dahil may sarili itong mga palusot.

Aniya, kapag walang maipakitang proof ang isang indibidwal na exempted sila sa uniform curfew ay hinuhuli sila ng mga pulis.

Facebook Comments