Naarestong model dahil sa traffic violation sa Maynila, natuklasang drug courier umano; mga kasamahan, natiklo na rin

Natuklasan ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team o SMART na drug courier umano ang isang model na naaresto dahil sa traffic violation sa Maynila, na nagwala at nanakit pa ng traffic enforcer.

Ito ay si Pauline Mae Altamirano alyas Maria Hola, 26-anyos na nahaharap sa patung-patong na mga kaso ng paglabag sa RA 4136, direct assault, resistance and disobedience to a person in authority, dagdag pa ang kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Naaresto na rin ng mga otoridad ang mga kasamahan ni Altamirano na sina Rendor Sanchez, Leopoldo Salamero, Jason Dela, at Marlon de Guzman.


Nakumpiska sa kanila ang 5 gramo ng hinihinalang droga na nagkakahalaga ng P34,000.

Ayon kay MPD-SMART Chief Col. Jhun Ibay, natagpuan ang drugs sa bag ng model na si Altamirano.

“To the rescue dapat ang apat na mga kasabwat niya diumano para kunin ang nasabing bag pero hindi nila alam na pulis na pala ang kanilang kausap kaya sila ay nadakip,” pahayag ni Ibay.

Facebook Comments