Naarestong NDF consultant, pinakakasuhan na ng DOJ

Inaprubahan na ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice o DOJ ang paghahain ng kasong paglabag sa Section 28 ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at ng Illegal Possession of Explosives si Renante Gamara, ang naarestong peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ibinasura naman ng DOJ ang kaparehong kaso laban sa dating pari na si Arturo Joseph Balagat dahil sa kawalan ng sapat na katibayan.

Nakasaad sa resolution ng NPS na na-establish ng mga otoridad ang mga nakumpiskang armas, bala at pampasabog na nasa pag-iingat ni Gamara.


Sina Gamara at Balagat ay unang naareto noong March 20 sa joint police at army operations sa Imus City, Cavite.

Facebook Comments