Naarestong PDL na si Michael Cataroja, idinetalye sa BuCor kung paano siya tumakas sa loob ng piitan

Nagkaroon ng re-enactment ang Persons Deprived Of Liberty (PDL) na si Michael Cataroja na matagal nang pinaghahanap ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagtakas nito sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Una rito nagkaroon na rin ng hiwalay na pagdinig ang Senado hinggil sa mga kaso at kontrobersiya sa loob ng New Bilibid Prison.

Ayon sa pamunuan ng BuCor, idinetalye ni Cataroja sa mga miyembro ng Board of Inquiry na binuo ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ang kanyang pagkapit sa ilalim ng truck ng basura upang makatakas.


Matatandaan na mahigit isang buwan na nagtatago si Cataroja sa isang lugar sa Angono, Rizal kung saan doon din siya muling naaresto ng mga awtoridad.

Si Cataroja ay nakulong dahil sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law.

Facebook Comments