Naarestong recruiter daw ng Maute, itinanggi ang akusasyon

Manila, Philippines – Itinanggi ng di umano’y Maute recruiter na si Karen Aizah Hamidon ang akusasyon sa kaniya ng National Bureau of Investigation na nagre recruit ito ng Maute members gamit ang Facebook.

Ayon kay Hamidon, ginagamit lamang niya ang social media upang ipahayag sa mundo ang ideyolohiya ng Islam at hindi ng teroristang Maute.

Aniya, tungkol lamang sa relihiyon ang ipinapakalat niya sa social media at wala aniyang basehan ang mga inaakusa sakaniya na nag re-recruit siya ng mga miyembro at financier ng Maute.


Kaninang umaga nga ay sumalang sa Preliminary Investigation ng Department of Justice si Hamidon, kaugnay sa 14 counts ng kasong rebelyon at paglabag sa cybercrime prevention act, na isinampa sa kaniya ng Nation Bureau of Investigation.

Facebook Comments