Manila, Philippines – Umakyat na sa 64 motorcycle-riding suspects ang naaresto ng Philippine National Police habang 380 pa ang patuloy na pinaghahanap
Ang bilang na ito ay mula sa 115 na mga motorcycle riding incident sa nakalipas na 26 na araw mula ng pagigtingin ng PNP ang kanilang operasyon kontral riding in tandem criminals
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, pangunahing motibo ng mga nangyayaring motocycle riding in tandem incidents ay dahil sa pagnanakaw.
Sa rekord pa ng Directorate for Investigation and Detective Management mula October 10 hanggang November 5, umabot sa 363 biktima ng riding in tandem criminals
125 ay napatay habang 183 ay unharmed o hindi man lamang nasaktan
Sa ulat din ng Generated from the Crime Information Reporting and Analysis System, sampu sa mga insidenteng ito ay drug related.