NAARESTONG SEKYU DAHIL SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL, KAKASUHANNGAYONG ARAW; SUSPEK, UMAASANG IUURONG ANG KASO

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang sampahan ngayong araw ng kasong Alarm and Scandal ang isang security guard na dinakip noong Biyernes ng gabi (April 29) sa Villegas St. Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Dalawang araw nang nanatili sa lock up cell ng PNP Cauayan ang suspek na si Bernard Llovido, 40 yrs old, guwardiya ng isang pribadong Apartment sa Lungsod at residente ng Villarini, Piat, Cagayan.

Una rito, parehong nakaduty noong Biyernes ng gabi sa isang binabantayang compound ang suspek at biktimang si Jake Granadozo, 40 yrs old at residente naman ng Alicia, Isabela.

Habang sila ay naka duty, nagkaroon ang dalawa ng sagutan sa pamamagitan ng text message sa cellphone.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakipag usap ang biktima sa mga tenants hanggang sa may narinig na isang putok ng baril mula sa binabantayang lugar ng suspek.

Nakumpirma ng biktima na nagpaputok ng baril ang suspek dahil nakita umano ng biktima na hawak ng suspek ang inisyung baril nito na 12-gauge shotgun.
Dito na agad humingi ng tulong sa himpilan ng pulisya ang biktima na agad namang nirespondehan ng kapulisan at nagresulta sa tuluyang pagkakaaresto ng suspek.

Narekober mula sa suspek ang 12-gauge shotgun na may lamang tatlong bala at isang basyo ng nasabing baril.

Samantala, sa ating naging panayam sa suspek, ipinaliwanag nito kaya niya nagawang gamitin ang kanyang issued firearm ay dahil sa matinding galit na nito sa biktima na nagsasabing lagi kasi umano siyang natutulog habang nasa duty.

Bagay naman na pinabulaanan ng suspek na hindi umano siya natutulog kapag nasa duty. Iginiit din ni Llovido na hindi ito lasing nang magpaputok ng baril dahil bawal aniya sa kanila ang uminom ng alak kapag nasa trabaho.

Anim na buwan nang nagtatrabaho bilang security guard si Liovido at napuno lamang aniya ito sa mga negatibong sinasabi ng suspek.

Gayunman, humihingi pa rin ng patawad ang suspek sa biktima na hindi aniya nito intensyon o wala siyang balak na barilin mismo ang biktima.

Umaasa naman ngayon ang suspek na iaatras na ng biktima ang kanyang pagsasampa ng kaso lalo at humingi na rin umano ng patawad sa suspek ang biktima.

Pero, willing at handa pa rin namang harapin ng suspek ang isasampang kaso sa kanya kung sakaling magbago ang isip ng biktima na itutuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments