NAARESTONG TOP 2 MOST WANTED PERSON SA CALASIAO, NAHAHARAP SA KASONG RAPE

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Calasiao. Matatandaan na nahaharap ito sa kasong Rape through Sexual Assault at Acts of Lasciviousness.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Calasiao Police Station Women and Children Protection Desk, Police Non-Commissioned Officer, PSSg. Richelle Untalan, nitong nakaraang taon nang sumangguni sa kanilang himpilan ang nanay at biktima, kung saan ang suspek ay ang stepbrother nito mismo.

Tiniyak ng himpilan na patuloy na tinututukan at tinutugunan ang mga kasong kinasasangkutan lalo ng kababaihan at mga kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments