Naarestong uploader ng ‘Bikoy videos’, pwedeng gawing testigo – VP Robredo

Manila, Philippines – Naniniwala si Vice President Leni Robredo na maaaring gawing witness ang naarestong uploader ng “Ang Totoong Narcolist”.

Ayon kay Robredo – pwede siyang gawing whistleblower para malaman kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.

Aniya, dapat silipin din kung tunay ang mga sinasabi ni ‘Bikoy’ tungkol sa bank accounts.


Matatandaang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si ‘Bikoy’ matapos maglunsad ng manhunt laban sa kanya, na sinasabing dating miyembro ng isang drug syndicate.

Facebook Comments