Naarestong web admin ng “Bikoy video series”, itinangging siya ang uploader ng mga video

Manila, Philippines – Itinanggi ni Rodel Jayme na siya ang nag-upload ng Bikoy video sa kaniyang website.

Ayon kay Jayme, isang kakilala niya ang nagpagawa sa kaniya ng website noong Marso 31, 2019 na gagamitin umano para sa kandidato ng Otso Diretso.

Nakilala raw niya ang kaniyang kontak noong 2015 para sa kampanya noong 2016.


Sinabihan din raw siya ng kaniyang kausap na magtago.

Giit ni Jayme, handa siyang makipagtulungan sa NBI para ituro ang nasa likod ng website na ginamit Ni Bikoy.

Naka-record rin aniya sa kaniyang Facebook ang pag-uusap nila ng nagpagawa sa kaniya ng website.

Tiniyak naman ng NBI na susuriin nila ang computer at laptop na ginamit ni Jayme para sa iba pang ebidensya.

Facebook Comments