NAAYOS NA | Labor dispute sa Lakepower sa Cavite, naresolba ng DOLE.

Cavite – Naresolba na ng Department of Labor and Employment ang labor dispute sa isang kumpanya ng electronics sa Rosario, Cavite.

Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod, nagkasundo ang mga manggagawa at pamunuan ng Lakepower Converter Inc. na isa-alang alang ang mga hinaing ng bawat partido tulad ng pag-withdraw ng notice of strike ng mga empleyado habang ang kumpanya naman ay hindi na gagawa ng anumang legal na aksyon laban sa mga manggagawa nito.

Bukod dito, ibabalik sa trabaho ang 64 na opisyal at miyembro ng unyon sa kondisyon na dapat nilang irespeto at sumunod sa panuntunan at regulasyon ng employer.


Maaalalang inakusahan ng Samahan ng Manggagawa sa Lakepower Converter Incorporated Independent (SMLCI-IND) ang pamunuan ng kumpanya ng union busting, kabilang na ang iligal na pagtanggal at harassment sa ibang empleyado

Facebook Comments