Manila, Philippines – Nababagalan na si Senador JV Ejercito, chairman ng committee on urban planning sa usad ng implemetasyon ng railways system sa ilalim ng build, build, build program ng Duterte Administration.
Sa kaniyang pagsasalita sa institute of politics and governance, sinabi ni Ejercito na sobrang gahol na sa panahon para sa pagtapos ng linya ng tren sa na magpapaandar ng husto sa ekonomiya ng bansa.
Aniya, para mapasimulan ang partial operation ng mga proyekto na ito, mangangailangan ng sampung taon kaya kailangan nang may pagsimulan.
Dismayado si Ejercito dahil hindi naibigay ang emergency powers na hinihingi ng Pangulo.
Dahil dito, isusulong niya ang isang panukala na magpapabilis sa pagtapos ng railways system.
Kung maaari ay muli niyang uungkatin na maibigay na ang dagdag kapangyarihan para mapabilis ang pagtapos sa mga malalaking proyektong pang imprastraktura.
Kinalampag din niya si DOTr Secretary Arthur Tugade na magpakita ng katatagang ipursige ang pag-fast track ng railways system kahit wala pa ang emergency powers.