Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang brutal na pagpatay sa 20-anyos na si Shanmaine Pestaño na kaka-graduate pa lamang sa Bacoor, Cavite.
Sa isang statement, sinabi ni Atty. Jacqueline De Guia, na nakababahala na ang sitwasyon lalo pa at hindi hindi lamang sa unang pagkakataong na may nangyaring ganitong krimen.
Maging sa saanmang panig ng bansa aniya ay may mga walang pakundangan na patayan.
Dagdag ni De Guia, hindi katanggap-tanggap ang pagpaslang kay Pestaño lalo pa at kabilang ito sa itinuturing na vulnerable sector.
Hinamon ni De Guia ang Philippine National Police (PNP) at iba pang kaugnay na sangay ng gobyerno na bigyang hustisya ang krimen at siguraduhin na mapapanagot ang may mga sala.
Facebook Comments