Manila, Philippines – Nababahala sina Gabriela Representative Emmi de Jesus at Arlene Brosas sa ginawang pag-aresto sa Australian missionary na si Sister Patricia Fox.
Sa kabila na napalaya na ito kahapon, nangangamba sina de Jesus at Brosas dahil napakababaw ng dahilan sa pagkaaresto sa madre.
Ang madre ay hinuli dahil sa pagsama nito sa mga protesta at iba pang political activities tulad ng international fact-finding and solidarity mission sa Mindanao na paglabag umano sa mga kondisyon sa pananatili sa bansa ng isang dayuhan.
Ipinapakita lamang din ng ginawang pag-aresto sa madre kung gaano kadesperado ang Duterte Administration para tugisin ang mga kritikal sa gobyerno.
Anila, hindi rin tama na agad inilista sa deportation si Sister Patricia kahit na inamin ng BI na nagkamali sila dahil Patricia Cox at hindi Patricia Fox ang kanilang dapat na huhulihin.