Manila, Philippines – Nababahala si Magdalo Party list Representative Gary Alejano sa posibleng kapalit ng utang ng Pilipinas sa China.
Ang utang ng bansa sa China ay gagamitin naman para sa Build Build Build program ng Duterte Administration.
Nagbabala si Alejano na posibleng sapitin ng Pilipinas ang nangyari sa Tajikistan nang umutang din ito sa China.
Aniya ang naging kapalit sa naging utang ng Tajikistan na siyang ipinambayad nito sa China ay ang mahigit 1,000 disputed territory.
Nangangamba ang mambabatas na maaring kunin ng China sa Pilipinas ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ngayon pa lamang ay nakakaalarma na kamakailan ay naglagay ang China ng missile sa tatlong bahura na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.