Manila, Philippines – Nababahala ang Palasyo ng Malacanang sa balitang naglagay na ang China ng mga Missiles sa pinagaagawang isla sa West Philippine Sea.
Batay kasi sa report ay naglagay ang China ng surface to air missile at anti-cruise ship missiles sa kanilang tatlong outpost sa pinagaagawang teritoryo.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, umaasa nalang ang Pamahalaan na dahil sa magandang relasyon at pagkakaibigan ng Pilipinas at China ay hindi para sa Pilipinas ang inilagay ng Missile ng China.
Dahil aniya sa development na ito ay aalamin pa nila kung ano ang mga Diplomatic measures na gagawin ng Pamahalaan para harapin ang nasabing issue.
Dahil sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea ay nagbabala ang Estados Unidos ng Amerika na mayroon itong negatibong epekto habang ikinakabahala din ng Australian Government ang nasabing hakbang lalot nangako anila ang China na walang mangyayaring militarisasyon sa mga inangkinig lugar sa West Philippine Sea.
NABABAHALA | Malacañang, umaasang hindi para sa Pilipinas ang inilagay na missiles ng China sa West Philippine Sea
Facebook Comments